Monday, December 27, 2021

guadalupe... again

 

on december 24 during the christmas eve mass here in montalban manila hills subdivision, the commentator announced that the religioius missionaries of the divine savior sisters (a local congregation) were selling two our lady of guadalupe images. before the mass started, i requested a choir member to bring the two to me & i started uncovering them for blessing by fr cyril (a cistercian monk from bocaue, bulacan) right after mass.

the other one i gave to the pacheco family, explaining to the father (hernan) the personal miracles from the lord through her beloved mother, the immaculate conception -- our lady of guadalupe both for me in 2020 & this year 2021 to raphael around her feast day & that of st juan diego (december 9 & 12).

i also bought the two remaining statues with fellow church worker nellie villarba for the bicol pips we will visit in two days.
================================================================
introduction to the shrine being built for the sisters in licao-licao, brgy. macabul, rodriguez, rizal (pamphlet)

Mission and Vision: The propagation and encouragement fo DEVOTEES to spread the Divine Miraculous Apparitions at Tepeyac Hill, and to unite eveyrone in the advocacies for PRO-LIFE from WOMG to TOMB & CRIB to CRYPT.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
On the Feast Day of the Immaculate Conception in 1531, the Divine Motherhood of Our Lady of Guadalupe appeared before the Aztec Juan Diego in a small hill called Tepeyac. It is to be noted that the Spaniards preached Christianity to the pagans without any real success, for most of those who were baptized were either infants or dying.
 
Our Lady requested to have a CHAPEL built as a place of worship for Devotees, a house for the Blessed Mother and a center for her exemplified teachings. After the miraculous healing of Juan Diego's uncle and the appearance of the image of the immaculate Mother on Juan Diego's cloak, the Bishop agreed to build a chapel at Tepeyac.

This proved to be the TURNING POINT in the EVANGELIZATION of the Americas, with baptisms and conversions of faith occurring in the tens of thousands each day. The Virgin Mother succeeded in defeating the "feathered snake" god of the pagans, to whom the Aztecs sacrificed many innocent lives each year. 

The incorporation of the Immaculate Conception and the Divine Motherhood of Mary depicted in the image of his tilma propagates good values for women nowadays. 

Pope John XXIII invoked her as "Mother of the Americas" in 1961, and encouraged pilgrimates to Guadalupe. 

The Shrine of Our Lady of Guadalupe in Montalban, Rizal, is a response to this call to PILGRIMAGE. 


Sunday, December 19, 2021

mary, untier of knots (german painting)

Re: Maria, Tagakalag ng mga Buhol

Fr: P. Nonnette C. Legaspi, STL (2020). A popular catholic handbook on liberation & exorcism vol. 2, pp. 16-17.


https://taylormarshall.com/2013/12/mary-undoer-of-knots-pope-francis-favorite-marian-devotion.html

“Isang Alemang pintor, si Johann Georg Melchior Schmidtner, ang nagpinta ng larawan ni Maria, Tagakalg ng mga Buhol. Noon pang 1700, ang imaheng ito ay nasa loob na ng simbahan ni San Pedro sa Perlack, Augsburg sa Alemanya.

   Ang inspirasyon nito ay nagmula diumano sa pganinilay ni San Ireneo (Obispo ng Lyon na nagging martir noong AD 202) batay sa paghahambing na ginawa ni San Pablo sa pagitan ni Adan at ng Panginoong Jesukristo. Idinagdag dito ni San Ireneo ang paghahambing sa pagitan ni Eba at ni Maria; wika niya: “Si Eba sa kanayang PAGSUWAY, ay NAGTALI ng buhol ng kadustaan para sa sangkatauhan; ngunit si Maria, sa kanyang PAGTALIMA, ang NAGKALAG nito.”

   Ang mga buhol na ito ay maaaring mga SULIRANIN natin sa buhay at mga PAGPUPUNYAGING hinaharap na tila walanag kasagutan. Kabilang dito ang buhol ng SIGALOT SA PAMILYA,

>kakulangan ng pag-uunawaan sa pagitan ng mga magulang at mga anak,

>kawalan ng paggalang sa isa’t isa,

>karahansan,

>mga buhol ng malalalim na hidwaan sa pagitan ng mga mag-asawa,

>ang kawalan ng kapayapaan at kagalakan sa tahanan.

   Maaari rin itong mga buhol ng KALUNGKUTAN at kawalan ng pag-asa sa mga naghiwalay na mag-asawa, buhol ng pagkawasak ng pamilya, buhol na kinasasangkutan ng pagkalulong sa alak o sa ipinagbabawal na gamot, ng karamdaman o pagkakawalay sa tahanan o sa Diyos, ng pagkakasangkot sa abortion, sa depression, kawalan ng kabuhayan, buhol ng TAKOT, terorismo, ng kapansanan o karamdaman ng pag-iisip.

   Ang debosyong ito ang OPISYA NA MARIAN DEVOTION ng Diyosesis ng Novaliches simula 2016. Ang kinagigiliwang tawag si Bp. Antonio Tobias sa Mahal na Ina, Tagakalag ng Buhol ay Inang Desay (pinaikling pangalan gn Espanol na Senora Desatadora de Nudos, debosyong dinala sa bansang Pilipinas ni Papa Francisco nang siya’y dumalaw sa Pilipinas noong Enero 2015.”

 =======================================================

 PANALANGIN SA PAMAMAGITAN NG MAHAL NA BIRHENG MARIA, TAGAKALAG NG MG BUHOL

 “Birheng Maria, Ina ng Makatarungang Pag-ibig, Inang hindi tumatanggi sa paghingi ng tulong ng iyong mga anak, Inang ang mga kamay ay hindi humihinto sa PAGLILINGKOD sa iyong pinakamamahal na mga anak: dahil sa iyong mga kamay ay dumadaloy ang banal na pag-ibig at malaking awang nagmumula sa iyong puso.

   Ibaling mo sa akin ang iyong mahabaging pagtining at masdan ang mga pakakabuhol-buhol sa aking buhay.

   Alam mo nang lubos ang aking KAGIPITAN, ang aking mga PASAKIT, at kung paano ako nagapos ng mga buhol na ito.

   “Inang Maria, sa iyo ipinagkatiwala ng Diyos ang pagkakalag ng mga buhol sa buhay ng kanyang mga anak; wala ni isa, kahit na ang demonyo mismo, ang makaaagaw ng mga buhol na ito mula sa iyong pag-iingat at pagkandili. Sa iyong mga kamay, walang buhol na hindi MAKAKALAG. Makapangyarihang Ina, sa pamamagitan ng iyong biyaya at kapangyarihang mamagitan, kasama ng iyong Anak, si Jesukristong aking Tagapagligtas, tanggapin mo sa iyong mga kamay ang bawat buhol sa aking buhay.

    “Bawat buhol na naggagapos sa akin sa demonyo, bawat buhol na nagtatali sa akin sa nakagawian at paulit-ulit na kasalanan at mga bisyo, bawat buhol sa aking pag-iisip at kalooban, bawat buhol na umaalipin sa aking damdamin, PAGKAHUMALING, mga hangarin, at ugnayan; bawat buhol sa aking katawan, isipan, at espiritu na nagiging BALAKID upang ibigin ko ang Diyos nang buo kong pagkatao, bawat buhol na naghahadlang sa akin upang IBIGIN ang kapwa sa paraang ninanais ng Diyos isinusuko ko ang lahat sa iyo, O Mahal na Ina ng Diyos. (3x)

    “Isinasamo ko sa iyo na KALAGAN ang mga buhol na ito sa ikaluluwalhati ng Diyos, una at higit sa lahat, dahil ikaw ang aking pag-asa.

    “O aking Ina, ikaw ang bukod-tanging KAALIWAN ko na galing sa Diyos, ang NAGPAPALAKAS sa aking kahinaan, ang NAGPAPAYAMAN sa aking karukhaan, at kasama si Kristo, ang KALAYAAN ko mula sa pagkakagapos.

    “”Pakapakinggan mo ako. Panatilihin ako, gabayan ako, ipagsanggalang ako, O LIGTAS NA KANLUNGAN! Maria, Tagakalag ng mga Buhol ng Buhay, ipanalangin mo ako. Amen.”