Re: Panalangin Para sa Tahanan
Fr:
Nobena sa Ina ng Laging Saklolo, pg. 10-12.
Ina ng Laging Saklolo, * pinili ka naming Reyna ng aming TAHANAN. * Hinihiling naming pagpalain mo ang PAMILYA * sa pamamagitan ng iyong matimyas na PAGMAMAHAL. * Mahigpit nawang BIGKISIN ng Sakramento ng Kasal * ang mga MAGASAWA * upang lagi silang maging TAPAT at * MAPAGMAHAL sa isa’t-sa * tulad ng pagmamahal ni Kristo sa Sta. Iglesia.
Hinihiling naming pagpalain mo ang lahat ng mga MAGULANG. * Mahalin nawa nila ang mga ANAK * na ipinagkatiwala ng Diyos sa kanila. * Nawa’y lagi silang maging HUWARAN ng kanilang mga anak * sa pamamagitan ng kanilang tunay na buhay-kristiyano. * Tulungan mong PALAKIHIN * at ARUGAIN * ang kanilang mga anak * na may PAGMAMAHAL at TAKOT sa Diyos. * Pagpalain mo ang mga BATA * upang kanilang mahalin, * igalang at sundin * ang kanilang ama at ina. * Sa iyong magiliw na pagpapala * tangi naming ipinagkakatiwala * ang mga KABATAAN ngayon.
Bigyan mo kaming lahat * ng pagpapahalaga sa aming PANANAGUTAN * nang matupad naming ang aming TUNGKULIN * nag awing PUGAT NG KAPAYAPAAN ang aming TAHANAN * tulad ng iyong tahanan sa Nasaret. * Ikaw ang aming huwaran. * Tulungan mo kami * upang araw-araw ay lalong magningas * ang dalisay naming PAGMAMAHAL sa Diyos at kapwa, * nang sa gayo’y maligayang maghari ang KATARUNGAN at KAPAYAPAAN * sa buong sangkatauhan. Amen.
No comments:
Post a Comment